I-customize ang detalye ng customer (kasarian, kaarawan, atbp.)

Mako-customize ng negosyante ang User Settings na pahina para makakuha ng karagdagang impormasyon mula sa customer.

Ang "Preset Fields" ay naglalaman ng Kasarian at Kaarawan. Puwede rin magdagdag ng hanggang sa 5 custom fields ang negosyante.

Checkout Form: makikita sa checkout page ng customer

Signup Form: kapag ni-click ng customer ang "Menu" at nag-signup. 

User Profile: ang naka-sign in na customer ay makikita ito sa "Profile" page sa "Menu"

Kapag naka-check ang "Include?", makikita ang mga fields sa mga kaugnay na lugar (checkout form, signup form, at user profile). Kapag ni-click ang "Required?", kinakailangan masagutan bago makapunta sa susunod na pahina nag customer.

Halimbawa:

Kapag sinama ang preset fields, ito ang makikita ng customers:

Para sa custom fields, ang Chinese at English na version ay hiwalay na mako-customize. Puwedeng i-click ng negosyante ang "Add" para magdagdag ng custom field. Para sa bawat custom field, puwedeng i-set kung  "Include?" o "Required?" ang makikita sa mga pahina.

Halimbawa:

Field Name: Phone Model no. 

Field Hint: iPhone 6/Samsung Galaxy S6

Ito ang makikita ng customers:

Pagkatapos ma-set up ang settings, i-click ang "Update" para ma-save ang custom fields.

Points to Note:

1) Ang custom fields na ginagamit at naka-kolekta na ng impormasyon ay mawawala lahat kapag dinelete ng negosyante ang custom field. 

2) Ang pagpalit ng "Field Name" o "Field Hint" ay hindi makaka-apekto sa impormasyon na binigay ng customers.

 

 

Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

Pinagagana ng Zendesk