Step 1: Gumawa ng Account sa Loob ng Isang Minuto

Una, bisitahin ang website ng Shopline: http://shoplineapp.com.

 

Kapag kayo’y may Shopline account na, puwede na mag-log in. I-click lamang ang
“login” button sa itaas.

 

Sakaling kayo’y bago lang sa Shopline, maaari din gumawa ng online Shop kaagad.

                                                                 

 

I-type ang pangalan ng shop sa textbox at i-click ang “Try for free!”.

Huwag kayong mag-alala kung sakaling hindi pa kayo desidido sa pangalan ng shop, puwedeng palitan ang pangalan sa admin panel sa susunod.

                                                                 

 

Pagkatapos, i-fill up ang form para magawan na kayo ng bagong account.

Sa susunod, maglo-login kayo sa admin panel gamit ang account na kakagawa niyo lang ngayon. Pagkatapos niyo mag-register, makakatanggap kayo ng confirmation email.

                                                                

 

Pumili ng currency at i-click ang “Update”. Mare-redirect kayo sa dashboard ng iyong admin panel.

 

Nakagawa ka na ng online Shop!

Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

Pinagagana ng Zendesk