Customer checkout at sign up flow

Tuwing nasa “Checkout Page” ang customer, ire-remind silang mag-sign up o mag-sign in:

New Customer

Ang customer na hindi pa nag-sign in ay makakakita ng options para gumawa ng account at tumanggap ng email updates at promotions.

Kung pinili ng customer gumawa ng account, makakatanggap sila ng email para i-set up ang password. (Ang default email para mag-sign in ay email na ginamit ng customer para mag-order.)

Madadala sa page na ito kapag ni-click ng customer ang link sa email:

I-enter ang bagong password at i-click ang “Change my password!” para makumpleto ang pagre-register.

 

Member:

Kapag pinili ng customer mag-sign in tuwing sila ay nag-order, madadala sila sa page na ito:

Pagkatapos mag-sign in, sila ay babalik sa checkout page. Kapag unang beses pa lang magche-check out ang customer, puwede nilang piliin mag-save ng phone number at shipping address.

 

I-save ang phone number:

I-save ang bagong address (Ang pagse-save ng shipping address ay lalabas lamang tuwing pinili ng customer ang local at international na delivery.)

Kapag nag-save ng phone number at shipping address ang customer, puwede nilang piliin sa listahan sa susunod na pag-check out.

Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

Pinagagana ng Zendesk